Sa panahon ngayon, ang pag-usbong ng mga Museo sa bansa bilang isang tourist destination ay malinaw na nakikita nang mga turista. Sapagkat, bukod na dahil libre lamang ang entrance fee, mas bukas na ang mga mata at isipan ng mga tao sa pagpapakita ng halaga sa sining at kultura ng Pilipinas. Maaaring mas nahikayat din ang mga tao, lalo na ang mga kabataan, na pumunta dahil sa ideya na ang mga lugar na ito ay tamang-tamang pagkuhaan ng litrato at i-post para sa kanilang Instagram feed. Ngunit, ito nga ba ang kadahilanan kung bakit patuloy ang pag-bisita ng mga turista sa mga museo sa panahon ngayon?
Sa pag-aaral ni Agbayani Jr. (2010), ang mga museo ay nagsisilbing tulay upang maipabahagi sa mga tao, hindi lamang sa mga Pilipino kung hindi na rin sa mga dayuhan, ang natatanging yaman ng Pilipinas. Ipinapakita ni Agbayani na bilang ang mga museo ay nag-lalaman ng mga historical na mga bagay na makikita sa Pilipinas, ito’y nagsisilbing daan sa kung sino mang turista na maunawaan nila ng lubusan ang mga yamang makikita sa bansa na napreserba noon at ngayon.
Dahil dito, ang museo ay isang lugar na kung saan hahayaan kang bigyang kalinawan sa mga yaman ng isang bansa. Ito man ay mapa-sining, kultura, at sinaunang kasangkapan. Ang mga museo ay hindi lamang isang destinasyon upang magsilbing atraksyon na nanghihikayat ng mga turista. Bagama’t kahit na ito’y dinadagsa na ng mga turista, ang bilang ng tao sa loob ng museo ay nililimitahan pa rin, dahil ang mga makikita sa loob ay dapat pagka-ingatan ng husto. Kung gayon, ang pag-preserba ng mga historical na bagay ay malinaw na naipapamahagi sa mga turista dahil sa striktong mga policies na isinasaad ng mga museo; at dahil mas importante pa rin ang nilalaman ng mga museong iyon kahit na umabot man sa kaunting turista na lang ang pumunta.
Higit sa rito, ayon kay Saber (1977), ang preserbasyon ng kultura ay dapat bigyan ng pansin sapagkat dito maitutumbas kung gaano nga ba pinapahalagahan ang mga iba’t ibang artifact. Gayunpaman, isa sa mga layunin ng museo ay ang mag-preserba at kumikilala sa mga artifact na nasasang-ayon sa kultura ng isang bansa o kinikilanlang bagay. Kaya naman ang mahigpit na seguridad na ipinapakita ng mga museo sa pag-control ng dami ng turista sa loob ay isa lamang sa mga patunay na mataas ang pagpapahalaga nila sa mga artifacts na naroon. Bagaman madaming tuntunin ang kailangang sundin upang makapasok, dito napapatibay ng isang museo na mayroon silang maipapakitang tunay na mga artifacts na naging bahagi ng kultura at kasaysayan, na hindi lamang basta-basta mga kagamitan ang makikita ng mga turista sa loob.
Bilang karagdagan, isinaad ni (Tan, 2008), na maraming turista sa ating bansa ang interesado sa ating kasaysayan. Kaya naman makikita rito na ito ang dahil kung bakit ba mas nahihingkayat sila na pumunta sa mga kilalang museo sa Maynila. Sa modernisadong panahon, ang mga museo ay nagiging kalakaran na kung saan mas naipapatibay na itaguyod ang kultura at pamana.
Gayunpaman, ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang kadahilanan kung papaano nakikilala ang museo bilang isang tourist spot. Sa anong paraan nakakaapekto ang museo sa Turismo. Ano ang halaga ng museo sa kultura at paano napepreserba ang kultura sa pamamagitan ng museo.
Ang sakop ng pag-aaral na ito ay nililimitahan lamang sa mga museong National Museum at National Museum of Anthropology na nasa Padre Burgos Ave, Ermita, Manila at ang Pinto Art Museum na nasa Sierra Madre St., Antipolo, Rizal. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga museo na nagpapakita ng kulturang Pilipino at naglalahad ng kaalaman at kakayahan sa sining ng mga Pilipino. Maging kung papaano ba napapayaman ng mga museo na ito ang kahalagahan ng kulturang Pilipino, at bakit ito pinupuntahan ng mga turista bilang pasyalan.
Sa wakas, ang pag aaral na ito ay maaaring maging tulay para sa mas malawak na kaalaman ng mga magaaral, guro,turista at mamamayang pilipino tungkol sa sariling kultura at kasaysayan ng bansa. Mas mapapalalim ng pag aaral na ito ang pag unawa at pag bibigay halaga ng mga mamamayang pilipino sa sariling kultura ng bansa sa pamamagitan ng mga museo.



