4. Paano napepreserba ang kultura sa pamamagitan ng museo?
Ayon kay Brown (2016), may apat na paraan para mapreserba natin ang kultura na bilang parte ng museo. Ang unang paraan na inilahad niya ay ang pag record neto bilang parte ng ating araw-araw. Pangalawa ay ang pagturo ng ating kultura sa kapwa Pilipino, dahil ang pinaka magandang paraan para ma-preserba ang isang kultura ay dapat mayroon tayong kaalaman tungkol dito. Kanyang isinaad na ang mga museo ay magandang lugar kung san pwede dalhin ang mga bata dahil dito ay maaari silang matututo at mag-enjoy. Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng ibang pananaw tungkol sa kasaysayan. Dahil pagdating sa mga museo, may posibilidad na maging bias ito dahil na lamang sa kadahilanang dahil ito ang nasa museo, ito yung tama. Ngunit sa panahon ngayon kailangan na natin maging open-minded sa iba’t ibang opinyon. At ang pang-apat, ay pag-connect sa ibang tao na bumibisita sa museo. Ayon kay Brown mayroong dalawang uri ng tao na pumupunta sa museo, ang may alam at ang gustong matuto. Sa paraan na ito, dahil sa mga museo, nababawasan ang mga minority na walang alam sa mga kultura.
Kung kaya naman ang mga museo ang nagsisilbing konkretong ebidensya na mayroong nangyaring ganitong kultura sa bahagi ng buhay ng isang tao. Sa mga museo, hindi basta-basta makukuha o maiaalis ng kung sino man ang nasa loob ng silid na iyon. Ang mga importanteng bagay na namamahala sa loob ng museo ay masusing inaalagaan ng mga nakatakdang magbatay doon. At tulad na rin sa sinabi ni Brown na ang kulturang nasa loob ng mga museo, ay dapat ipinapamahagi sa mga kapwa upang ito’y tunay na ma-preserba at hindi lamang nakakulong sa museo.



I hope you had a memorable day. Thank you for dropping by!