Unang Suliranin



1. Bakit nakikita ang museo bilang tourist spot?

     Ayon kay Cunningham (2018), kapuri-puri ang mga museo at sining na naipapamahagi nito. Sa pang-kasalukuyan, pinagsisikapan ng mga artist na maipakita ang kadalubhasaan nilang talent sa paraan na i-highlight ang isang bagay o ang iba’t ibang uri ng mga societal isyu. Kanilang ibinubuhos ang lahat ng kanilang kakayahan at kaalaman sa larangan ng sining sa loob ng museo. Ngunit, hindi lamang basta-basta iskultura o paintings ang kanilang gustong makita ng mga turista, kung kaya’t pati na rin kung anong problema sa lipunan ang nais nitong ipaalam sa bayan.

     
     
Samakatuwid, ang pangunahing layunin ng paglalakbay ng mga turista sa mga museo ay para maunawaan nila ang isang partikular na kultura o tradisyon. Dahil dito kaya nagiging isang tourist spot ang mga museo. Ang mga turista ay pumupunta dahil handa silang matuto sa kung ano man ang nilalaman at gustong ipaalam ng museong kanilang bibisitahin. Ito’y maaaring isang pasyalan laman para sa iba, ngunit mas nakalalamang pa rin ang mga may interes sap ag-diskubre ng bagong kaalaman patungkol sa kasaysayan, kultura, at sining ng isang bagay. Sa pamamagitan ng mga museo, dito nila makikita ang mga kwento sa likod ng isang mayaman na kasaysayan.

I hope you had a memorable day. Thank you for dropping by!