Ikalawang Suliranin



2.     Paano nakaaapekto ang museo sa turismo?


    Base sa pag-aaral ni Perera (n.d.), ang Cultural Heritage Tourism ay isa sa mga tanyag na parte ng industriya ng turismo, at ito’y makapangyarihang bagay patungo sa pag-unlad ng ekonomiya. Ito’y nagsiwalat na ang mga museo ay mayroong malaking bahagi, hindi lamang sa larangan ng sining, maging sa paghatak ng malaking porsiyento sa Turismo. Kanyang sinabi rin na ang mga museo ay hindi na basta-basta nagpapalipas ng oras sa kawalan, dahil ito’y kumikilos na rin sa pag-attract ng mga turista.


     Ngayon, ipinahayag ni Perera(n.d.) kung ano ba ang kahalagahan, at paano nakakaapekto ang museo sa larangan ng turismo. Ang mga turista ay nagdudulot ng malaking bahagi sa pag-unlad ng Turismo sa isang bansa. Higit sa rito, kaya nakaka-apekto ang mga museo sa Turismo dahil sa kakayahan nilang mag-lahad ng aspetong kultura sa mga tao. Sila’y mayroong abilidad na maghatid ng maraming kaalaman patungkol sa mga bagay na naging parte ng kasaysayan at maging ang mga pinag-mamalaking yaman ng isang bansa. Dahil sa kakayahan nilang ito, mas nakakahatak sila ng mga turista, na nag-reresulta sa pag-taas ng ekonomiya at Turismo ng bansa.


     Bilang karagdagan, sa panahon ngayon mas tinatangkilik na ng mga turista ang pagpunta sa mga museo para sa magagandang tanawin at pagkuha ng mga litrato. Nakakaapekto ang mga museo sa turismo hindi lamang sa lugar, bagkus, sa mga kapulutang aral na makukuha rito. Maaaring kaya na rin maraming turista ang pumupunta sa mga lugar na iyon dahil sa pagkalat ng impormasyon na madaming nagpupunta sa partikular na museo na iyon at maging sa magagandang rebyu, kaya naman nahihikayat din magpunta ang iba pang tao.

I hope you had a memorable day. Thank you for dropping by!